Monday, November 9, 2009

Ano Daw Idtong sa Gogon

Ano daw idtong sa gogon
Garong bulawan paghilngon
Casu sacuyang dulucon
Ay, ay burac palan nin balagon.

Casu sacuya ng qui cu-a
Sarong tingog ang nagsayuma
Hariman aco pagcua-a
Ay, ay burac aco ni Maria.

Alaala Kita Sa Pagtulog

Akala mo yata kita'y nililimot
Alaala kita sa gabing pagtulog
Ang inuunan ko luhang umaagos
Ang binabanig ko ay sama ng loob.

Di ka na nahabag, di ka na naawa.
Lusak na ang lupa sa patak ng luha.

Buksan mo na neneng ang munting bintana
At ako'y dungawin nagmamakaawa.

Ako'y Kampupot

by Velez

Ako'y kampupot
Na bagong sikat
Ang halimuyak
Sadyang laganap
Kaligayahan sa bawa't oras
Man din ang nais
Tanging paglingap

Kaya't noong minsan
Ay napakinggan
Isang binatang
Nananambitan
Puso kong taglay
Lubhang pihikan
Ay narahuyo sa panawagan.

Refrain:

Nasaan yung pangarap
Ng paglalambingan
Tangan na ng aking hirang
Alay ay kaligayahan
Kay tamis nga naman
Mabuhay 'ta sa pagmamahal
Kung ang ligaya ay makakamtam
Sa habang buhay.

Ako ay Pilipino

by George Canseco/Bagayaua

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan
ng Maykapal

Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Isang bansa, 'sang diwa
ang minimithi ko
Sa bayan ko't bandila
Laan buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.

Ahay Tuburan

Tubig nga matin-aw
Ga ilig sa ubos
Gikan sa ibabaw
Kon ako cumacancion
May dalang kamingao
Adios na ti adios
Baya-an ta ikaw.

Tubig na malinaw
Umaagos paibaba
Galing sa itaas.
Kung aka ay umaawit
May dalang kalungkutan
Paalam na o paalam
Ikaw ay aking iiwan.